Quantcast
Channel: The Philippines Herald
Viewing all articles
Browse latest Browse all 545

Maine Mendoza, Nagsalita at Nagshare sa Kanyang mga Struggles sa Buhay

$
0
0
MANILA, Philippines— Naghihintay na lang ng isang sign si Maine Mendoza at iyon na raw ang magiging hudyat kung bakit siya babalik ulit sa social media account na Twitter.

Importante raw kasi ang naturang sign na iyon kaya habang wala pa, 'di pa siya makakapagsimula sa kanyang pagbabalik sa Twitter.

"Wala po akong specific date, pero soon po." sabi ni Maine Mendoza.

"Meron lang po akong inaantay na matapos. 'Pag natapos na po iyon, hindi ko pa kasi siya puweding sabihin eh, dun na po yung go signal to go back," dagdag pa niya.

Sabi pa ni Maine Mendoza na ang naging dahilan nang pag-iwan niya sa Twitter ay dahil sa negativity na kanyang nababasa mula sa kanyang mga fans mismo.

Hindi rin daw masasabi ni Maine kung within the year ba siya makakapag-tweet ulit.

"Hopefully po. Mahirap po kasing magbitaw ng salita kasi hindi naman sure." sabi ni Maine Mendoza.

"Siyempre nami-miss ko na rin yung mga supporters namin ni Alden Richards, so I want to be back on Twitter din." dagdag pa niya.

Mukhang mauuna munang ma-release ang kanyang libro sa buwan na ito.

Personal book daw ito ni Maine na ang laman ay ang mga personal struggles and experiences niya.

"Parang nasanay na rin ako since I own a blog, I write talaga." sabi ni Maine Mendoza.

"Ever since naman, ine-express ko na yung sarili ko thoroughly and shini-share ko 'yun with the public."

"Since hindi na rin ako masyadong nakakapag-post sa blog ko, dito ko na binuhos sa book ko." dagdag pa niya.

"Mare-release siya sana by the end of October po. 'Yun po yung target date," pagtatapos pa ni Maine Mendoza.

Viewing all articles
Browse latest Browse all 545

Trending Articles